^

Police Metro

‘Bantay Impeachment’ sa VP Sara trial inilunsad

Joy Cantos - Pang-masa
‘Bantay Impeachment’ sa VP Sara trial inilunsad
Vice President Sara Duterte.
Vice President Sara Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Nagkaisa nitong Sabado ang anti-corruption watchdogs na binubuo ng mahigit 120 netizens, simbahan, Civil Society Organizations (CSO’s) at mga kabataan sa paglulunsad ng “Bantay Impeachment” sa Quezon City nitong Sabado.

Ang grupo ay nagtipon-tipon sa Claret School sa University of the Phi­lippines (UP) Village sa Quezon City kung saan pormal na inilunsad ang “Bantay Impeachment”, isang malawakang citizen watch campaign na naglalayong isulong ang pananagutan, transparency at partisipasyon ng publiko sa proseso ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang paglulunsad ng Bantay Impeachment ay sa gitna na rin ng pagnanais ng sambayang Pilipino na mabatid ang katotohanan sa mga alegasyon laban kay VP Duterte kabilang na ang krisis sa liderato ng Senado at pagtatangka ng ilang puwersa ng mga pulitiko na iantala, hadlangan at pahinain ang konstitusyonal na proseso.

Binigyang diin ng mga nakilahok na ang impeachment ay hindi paligsahan sa pulitika sa mga kilalang angkan ng mga pulitiko manapa’y konstitusyonal na mekanismo na naglalayong pairalin ang pananagutan sa publiko at tiyakin na walang sinumang public official ang mangingibabaw laban sa batas.

 “The impeachment trial is ultimately above the Filipino people’s right to truth, accountability, and justice. When public funds are misused and public trust is betrayed, it is ordinary citizens who suffer the consequences through inadequate social services, poor governance, and deepening corruption,” ayon sa mga organizers.

Itinampok sa presentas­yon ang plano ng Bantay Impeachment na nakipagpulong din sa mga miyembro ng prosecution team na kinabibilanan nina Reps. Joel Chua (Manila 3rd District), Terry Ridon (Bicol Saro Partylist), at Kabataan Rep. Renee Louise Co na nagbigay naman ng update sa kaso ng impeachment.

Samantala, hinikayat din ng mga mambabatas ang mga anti-crime watchdog na maging vigilante at i-monitor ang proseso ng impeachment trial.

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with