^

Police Metro

Palasyo bumuwelta: VP Sara ‘walang modo’

Gemma Garcia - Pang-masa
Palasyo bumuwelta: VP Sara ‘walang modo’
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na –“Ang salitang “walanghiya” ay tamang description hindi sa ­Pangulo kundi sa mga alam nating mamatay tayo, may mga assassin na kinomisyon para pumatay ng kalaban. Gayundin sa mga nanakot ng mga tao sa bar at sa mga gumagawa ng fake news laban sa iba para palitawing sila ang tama at makabayan.”
STAR/File

Sa pagtawag kay Marcos Jr. na walanghiya...

MANILA, Philippines — Binuweltahan ng Palasyo ng Malacañang si Vice President Sara Duterte sa mga pahayag nito na “walanghiya” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na –“Ang salitang “walanghiya” ay tamang description hindi sa ­Pangulo kundi sa mga alam nating mamatay tayo, may mga assassin na kinomisyon para pumatay ng kalaban. Gayundin sa mga nanakot ng mga tao sa bar at sa mga gumagawa ng fake news laban sa iba para palitawing sila ang tama at makabayan.”

Puna pa ni Castro kay VP Sara, kapag walang script na binabasa ay walang modo at lumalabas ang totoong anyo.

“Ang Bise Presidente kapag walang script na binabasa, walang modo. Lumalabas ang totoong anyo,” maanghang na payahag ni Castro.

Ang reaksyon ni Castro ay bilang sagot sa binitawang pahayag ng Bise Presidente sa Araw ng Kalayaan na gusto niyang makita ng taumbayan hanggang sa dulo kung gaano “kawalanghiya” si Marcos.

BBM

CLAIRE CASTRO

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with