Sanctions ng China vs Teodoro insulto, kinondena ng Stratbase
MANILA, Philippines — “Walang sinumang Pilipino, opisyal man ng gobyerno o hindi ang dapat bigyan ng sanctions o parusahan sa pagdedepensa ng integridad sa soberenya ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).”
Ayon kay Stratbase Institute President Victor Andres “Dindo” Manhit, nakakabahala, isang malaking insulto at hindi katanggap-tanggap ang ban ng China kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., asawa at anak na binawalang pumasok o magtungo pumasok saan mang lugar sa China, Macao at maging sa Hong Kong.
Sinabi ni Manhit na ang ipinataw na ban ng Beijing kay Teodoro at pamilya nito ay nakakaalarma dahil nangyari ito isang buwan bago gunitain ang ika-10 anibersaryo sa Hulyo 10 sa pagwawagi ng Pilipinas sa 2016 arbitral award na ibinasura ang claim ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa WPS.
“These sanctions reflect China’s continued disregard of this legal victory and a reminder of why we must continue to push back against those that undermine it,” giit ni Manhit.
Binigyang diin na taliwas sa sinasabi ng Beijing, walang naging iresponsableng pahayag si Teodoro at hindi rin nito sinasabotahe ang relasyon ng China at ng Pilipinas tulad ng alegasyon.
Nanindigan naman si Teodoro na pinatawan siya ng sanctions ng China dahil sa paglalahad nito ng katotohanan sa sitwasyon sa WPS kaugnay ng patuloy na harassment, pambu-bully at pambobomba ng water cannon ng China sa mga barko at tropa ng Pilipinas na nagpapatrolya sa nasabing lugar.
Samantala, nagkaisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtatanggol kay Teodoro na iginiit na nanatili ang kanilang commitment upang ipagtanggol ang soberenya ng Pilipinas sa WPS.
- Latest


















