^

Police Metro

P350,000 ninakaw ng ama, isinoli ng anak­

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil hindi kaya ng konsensya na kumain ­galing sa nakaw, isinoli ng isang 19-anyos na babae ang P350,000 na ninakaw ng kaniyang ama matapos masangkot sa snatching ng bag ng isang ginang sa La Trinidad, Benguet, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni P/Major Avelmar Renan Garambas, Deputy Chief of Police ng La Trinidad, nagtataka umano ang anak ng snatcher kung bakit maraming pera ang kaniyang ama gayong dumidiskarte lamang ito sa pagsa-sideline sa iba’t -ibang mapagkakakitaan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nasangkot sa pang-i-snatch ang suspect kamakailan sa negosyanteng si Cleofe Toguinay na hinablot nito ang bag habang naglalakad sa Kilometer 5 sa bayan ng La Trinidad. Ang nasabing pera ay pupuhunanin umano ng ginang sa kaniyang negosyo.

Samantalang nadiskubre ng anak ng suspect ang insidente matapos mag-viral sa social media ang robbery/snatching sa Kilometer 5 at dito na siya kinutuban na sangkot ang kanyang ama sa insidente.

Inamin naman ng suspect ang kaniyang masamang ginawa sa pag-uusisa ng anak kung saan siya kumuha ng malaking halaga ng pera. Dito’y hindi na nagdalawang isip ang nasabing anak ng suspect at isinoli sa La Trinidad Municipal Police Station (MPS) ang perang ninakaw ng kaniyang ama.

Sa presinto, sinabi ng suspect na nagawa lamang niyang manghablot ng bag dahil sa problema nila sa pananalapi dulot ng matinding kahirapan.

Dahil sa kabutihang ginawa ng anak, hindi na itutuloy ng biktimang ginang ang pagsasampa ng kaso sa suspek.

RENAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with