Kampo ni Bianca, itinanggi ang karelasyong may sabit!

Walang pangalang binanggit kung sino ang sinasabing nali-link kay Bianca Manalo, pero itinanggi ng Sparkle, talent arm ng GMA 7, na may karelasyon ngayon ang ex ni ‘Senate President’ Win Gatchalian.
Nakasaad sa inilabas na statement ng Sparkle na ni-repost ni Bianca na: “On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. She is single and not in any relationship.
“We hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead.”
Matagal nang kumakalat ang tungkol sa diumano’y karelasyon ni Bianca sa kasalukuyan na isa rin daw pulitiko.
Pero iba pala ang tinutukoy rito. Isang foriegner na diumano’y may beauty queen din na jowa.
- Latest























