^

PSN Showbiz

Dennis, ibinahagi ang detalye ng aksidente ng anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Dennis, ibinahagi ang detalye ng aksidente ng anak
Dennis Trillo.
STAR/ File

Ibinahagi ng aktor na si Dennis Trillo na mabuti na ang lagay ng kanyang anak na si Calix matapos na masangkot sa isang car accident.

“Sa awa ng Diyos wala namang masyadong masamang nangyari sa kanya except sa kaunting bruises at fracture sa kamay. Buti na lang ‘yung fracture niya sa kamay, hindi ‘yon ang ginagamit niya pang-fencing. ‘Yung kabilang kamay ‘yung na-injure. Pero malapit na ring tanggalin ‘yung cast niya and OK naman,” ayon kay Dennis.

Ayon pa sa actor, itinuturing nilang isang himala ang pagkakaligtas ng anak at pinaalalahanan niya si Calix na laging mag-ingat.

“Sabi ko sa kanya, napakaimportante magpasalamat ka sa bawat oras na binibigay sa ‘yo lalo na sa ganitong mga aksidente na alam mo ‘yon, wala masyadong napinsala, wala masyadong naabala. At ikaw, lalo na siyempre ‘yung buhay mo, napaka-importante,” pagbahagi ng aktor.

Nitong nakaraang buwan nangyari ang aksidente, at ibinahagi ni Dennis sa isang Facebook post na deleted na, na “total wreck” ang sasakyan na si Calix ang nagmamaneho.

Ayon sa naturang post ni Dennis, walang ibang sasakyan at tao na nadamay sa aksidente.

Si Calix ay anak ni Dennis sa dati niyang partner, ang beauty queen na si Carlene Aguilar.

Cita Astals, ‘di ­pinapabayaan ng mga taga-Home Along...

Para kay Vandolph Quizon, nananatiling pamilya ang turing ng cast ng Home Along Da Riles sa isa’t isa, kabilang ang veteran actress na si Cita Astals.

“Si Tita Cita, lagi kaming nandiyan for her. Nu’ng nag-start to ever since, sinama namin siya. Kasi alam namin ‘yung pinagdadaanan niya. Eh, pamilya din si Tita Cita. So hangga’t pa paano, nandyan kami for her. So lahat ng ginagawa namin, sinasama namin siya,” sey ni Vandolph sa kaniyang guesting sa Kay Susan Tayo! vlogs.

Inilahad ng anak ng namayapang Comedy King na si Dolphy, na napakagaling na aktor ni Cita, at nangangailangan lamang ito ng makakausap.

“Alam mo si Tita Cita, ang galing umarte tsaka napakatalinong tao. She just needs someone to talk to. And we are here, the Cosme family, the Home Along Da Riles family, is always here for her. At dala namin siya kahit saan kami magpunta,” diin pa ni Vandolph.

CALIZ

CITA

DENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with