Alex, nakutubang lalaki ang anak!

Mukhang baby boy ang ipinagbubuntis ni Alex Gonzaga.
‘Yan ang kutob ko base sa kanyang mga ibina-vlog.
Bukod pa riyan, nagtanung-tanong din ako sa ilang malapit kay Alex, at ‘yun din daw ang naririnig nila.
May nai-post pang baby shower para sa kanya, kaya nag-text ako kay Alex tungkol dito pero wala siyang sagot. Kapag tine-text ko kasi si Alex, pinipili lang niya ang mga tanong ko na gusto niyang sagutin.
Nagso-sorry siya na wala muna siyang sasabihin dahil talagang maingat daw sila ng asawa niyang si Vice Mayor Mikee Morada sa pagdating sa kanyang pagbubuntis.
Nakiusap ako ng interview, pero tumanggi siya. Wala raw muna talaga hangga’t hindi pa siya nakapapanganak na wala rin kaming ideya kung kailan ang due.
Binilang na lang namin doon sa TikTok post ni Toni Fowler nung nakaraang buwan na four months pregnant na raw si Alex. Kaya ang tantiya namin ay mag-aanim na buwan na ito sa kasalukuyan.
Ang sumunod ay nagpa-baby shower na siya at mukhang na-reveal na ang gender ng baby na ipinagbubuntis nito.
Sabi nila, kapag lalaki ang ipinagbubuntis, nangingitim daw ang kili-kili at madalas na namamanas ang paa. Meron pang nalalaman sa hugis ng tiyan.
Malaki na kasi ang tiyan ni Alex at doon sa part two ng house tour vlog niya, lagi siyang nagpapatawa na huwag na raw i-repost kapag nakikita ang kili-kili niya.
Pero kahit ano man ang itsura niya ngayon sa kanyang pagbubuntis, sobrang na-enjoy ito ng actress/TV host at vlogger. “You know what? Whatever it is na nae-experience ko in this pregnancy, I love it,” bulalas ni Alex sa kanyang vlog.
“‘Yung pag-itim ng kili-kili ko, but I love the boobies,” at inaalog-alog niya ang kanyang boobs, dahil sa nararamdaman niyang lumalaki ito.
Sabi pa niya, “Ine-enjoy ko kasi alam n’yo, ‘di ba ‘yung ibang nanay parang mai-stress. Ginagawa ko lang katawa-tawa pero sa totoo lang, ine-enjoy ko lahat ng anything about my pregnancy. Because, it is God’s blessing, and every time na nakikita na ayan umiitim, lumalaki, nagkaka-linea nigra, lahat. Paa ko namamanas. Nape-feel ko na ‘wow, I’m really pregnant.’ So, I’m very very happy and blessed.”
Malaki ang bagong bahay ng mag-asawang Alex at Vice Mayor Mikee. Pero kahit saglit lang ang pag-iikot ni Alex nung nagpa-house tour siya, hinihingal na ito.
Sobra siyang pinapag-ingat ng kanyang asawa, kaya hindi siya pinapayagang umakyat ng hagdanan kapag wala siyang kasama.
Lalong naging sweet si VM Mikee sa kanya na every week pala ay binibigyan siya ng flowers. “Kung ilang weeks na ‘yung pregnancy ko ay ganun din karami ‘yung flowers na binibigay niya sa akin.”
Dennis, inamin na ang kasalanan sa mga anak
Sa aming patuloy na panayam kay Dennis Padilla, umayon siya sa sinabi kong kaya nag-decide ang anak niyang si Claudia Barretto na tanggalin ang apelyido niyang Baldivia dahil sa ginawa niya sa kasal nito noong nakaraang taon. “Siguro. Siyempre, sumama rin ‘yung loob nila nu’n e... sa wedding,” pakli ni Dennis. Dagdag niyang pahayag, “‘Di ba nag-post ako nung mga rant na mali? Kasi, kung hindi ko pinost ‘yung mga nararamdaman ko nu’n, siguro, one step closer na sana ako na makausap sila.
“Pero dahil dun sa nangyari na ‘yun na alam mong mali nga. Dahil nadala ako ng bugso ng damdamin ko, para ba ngang pakiramdam ko, lalo silang napalayo.
“‘Yun nga! Hindi ko alam kung papa’no gagamutin ‘yun e.”
Sinubukan daw niyang tawagan si Claudia, pero hindi raw niya nakausap. “I tried lang. Once or twice. I tried lang, pero hindi ko naman siya nakausap,” dagdag niyang pahayag.
“Ito na ‘yung chance na maiparating sa kanya na sana magkausap kami muli. Kaya humahanap ako ng paraan para maka-relay ako ng messages sa kanila. Which is ‘yun nga... nag-try ako mag-text or mag-message sa Viber saka ito.
“Itong interview na ito na sana makarating sa kanila. Gusto ko lang sana magkausap kami before dun sa supposed to be initial hearing today na na-move ng September. Sana magkausap kami.
“‘Pag nagme-message ako... kunwari Christmas o gusto ko lang bumati ‘pag birthday, I tried pa rin using ‘yung Viber or X. Pero walang reply e. So hindi ko alam kung nakakarating o hindi,” saad ni Dennis.
Kahit kay Marjorie Barretto ay nag-sorry rin daw siya.
Aniya, “I think I had an interview before na nag-apologize na rin ako kay Marjorie before. Na kung ano man ‘yung mga napagtalunan nating mga issues before, e ako’y humihingi ng apology’ noon nabigkas ko na ‘yun. ‘Yun lang. Hindi ko lang alam kung ano ‘yung reply.”
Ang gustong iparating ni Dennis kina Julia, Claudia at Leon Barretto, “Message ko sa aking mga anak. Again, I’m sorry. Kung ano man ‘yung mistakes na nagawa ko at ‘yung mga pagkukulang ko, I hope magkaroon ako ng chance na mapatawad n’yo pa ako sa mga darating na panahon,” pagsusumamo ni Dennis.
Sabi pa niya, “To Claudia, with or without the Baldivia family name, hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa ‘yo. I’m still the father na handang mag-defend sa ‘yo sa lahat ng bagay.”
- Latest
























