^

Probinsiya

Death toll sa magnitude 7.8 lindol: 47

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa magnitude 7.8 lindol: 47
Comedian-host Melai Cantiveros took to social media to share that her family is safe in her hometown, General Santos City, after a magnitude 7.8 earthquake jolted Mindanao on June 8, 2026.
Instagram/Melai Cantiveros

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 346,000 katao ang naitalang naapektuhan ng 7.8 magnitude ng lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao habang pumalo naman sa 47 katao ang naitalang death toll, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa update na ibinahagi ni NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Harold Cabreros, ang nasa 346,449 katao o katumbas na 75,324 pamilya ay mula sa SOCCSKSARGEN, Davao Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa opisyal sa nasabing bilang nasa 16,349 katao o kabuuang 3, 515 pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers habang 29,260 katao naman o 7,279 pamilya ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamaganak at mga kaibigan sa iba pang mga lugar. Kabilang sa naitalang mga nasawi ay 35 sa SOCCSKSARGEN at 12 naman mula sa Davao Region.

Samantalang sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region XII ay nasa 53 na ang mga nasawi, pero ang nasabing data sa karagdagang mga nasawi ay wala pa sa rekord ng NDRRMC.

Iniulat rin ng NDRRMC na nasa 688 katao ang naitalang nasugatan habang nasa 33 naman ang nawawala. Naitala naman sa 12,600 kabahayan ang nagtamo ng pinsala habang 45 insidente naman ng landslide ang tumama sa ilang mga lugar na naapektuhan ng lindol gayundin ay nasa 48 lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ang linya ng ­kuryente.

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with