^

Probinsiya

Polling sites sa Mindanao, hindi ire-relocate

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na i-relocate ang mga polling sites sa southern Mindanao, na niyanig ng 7.8 magnitude na lindol kamakailan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, batid nila na ang paglalayo ng mga presinto ay maaaring magresulta upang hindi na bumoto ang mga botante.

Inaalam naman na aniya nila ang kondisyon ng mga apektadong paaralan upang matukoy kung maaari pang magdaos doon ng mga aktibidad para sa botohan.

Sa halip naman aniyang mag-relocate, ikinukonsidera nilang magtayo na lamang ng makeshift polling ­centers sa mga apektadong paaralan o di kaya ay sa mga kalapit na lugar, kung kinakailangan.

Samantala, sa kabila ng trahedya, muli ring tiniyak ni Garcia na on track ang isinasagawa nilang paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Nakatakda na aniya nilang simulan ang pag-iimprenta ng nasa 2.3 ­milyong balota na gagamitin para sa halalan sa ikatlo o huling linggo ng Hunyo.

Nakapasa na rin ­anila sa hardware acceptance testing ang mahigit 7,500 vote-counting ­machines na gagamitin sa eleksiyon.

Idaraos ang BPE sa Setyembre 14, 2025.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with