COC filing para sa Cavite special elections, itinakda ng Comelec
MANILA, Philippines — Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Hulyo ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa idaraos na special elections, kaugnay nang paghahalal ng bagong kinatawan ng 4th District ng Cavite.
Kasunod ito nang pagpapatalsik sa puwesto kay dating Rep. Kiko Barzaga sa House of Representatives.
Sa isinagawang coordination meeting sa mga stakeholders sa Dasmariñas City, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na idaraos ang special elections mula Hulyo 15-17, 2026.
Samantala, magsisimula naman ang election period sa Hulyo 30.
Una nang sinabi ni Garcia na ang special election para sa nabakanteng legislative seat 4th District ng Cavite ay idaraos sa Agosto 29.
- Latest



















