Atty. Levito Baligod, ang tunay na bayani!
NGAYON ay ipinagdiriwang natin ang araw ng kalayaan ng ating bansa. Kaalinsabay sa selebrasyon ay ang kalayaan ni Sen. Loren Legarda sa bintang na isa siya sa ‘‘Maleta Recipients’’ mula sa kaniyang mga bayani.
Inamin ni Atty. Levito Baligod na may pagkakamali ang kliyente niya’ng grupo ng mga tiwalag na Philippine Marines sa ginawang testimonya ng mga ito na isa sa napaghatiran nila ng maleta ng nakaw na pera ay si Sen. Loren Legarda. Nakahinga ng maluwag ang mga kasali sa listahan ng mga nakatanggap ng male-maletang pera.
Nalusaw ang kredibilidad ng testimonya ng 18 heroes ni Loren dahil sa pag-amin ng mismong abugado nila na kasinungalingan ang iba sa nakasaad sa affidavit ng mga ito. Si Baligod ngayon ang tunay na bayani ng mga tunay na sangkot sa ‘‘maleta syndicates’’. Bravo!
Lalo lamang pinahina ng kampo ni VP Sara ang baterya ng kanilang makinarya sa mga pangyayari. Nagkatotoo ang prediksyon ng ilang kritiko nina Mike Defensor at Sen. Rodante Marcoleta na sa isang pagkakamali lang ay matitibag ang tinipon nilang lakas laban sa administrasyon ni PBBM. Tama ba Atty. Melvin Matibag?
Lumalabas tuloy na kabahagi lamang ito ng isang propaganda movement ng kalaban ni PBBM para guluhin ang Senado at maantala sa pag-usad ang mga mas importanteng panukalang batas na papakinabangan ng mamamayan.
Sinasalot na ngayon ang Senado dahil sa isyu ng nakawan. Inaresto na si Sen. Jinggoy at nagtatago pa rin si Sen. Bato, samantalang kinakabahan na rin sina Sens. Joel Villanueva, Chiz Escudero at Rodante Marcoleta dahil sa may nakaamba ring mga kaso ng katiwalian laban sa kanila.
Pinagtatalunan pa rin sa Senado kung sino ang lehitimong mayorya sa pagitan ng grupo? ni SP Alan Peter Cayetano at Acting SP Win Gatchalian. Natatawa na lamang si Juan dahil lumalabas na ang totoong mayorya sa mga senador ay mga magnanakaw. Salot sa mamamayan!
- Latest
















