Ritz, mala-Alex ang kapalaran!

Kung si Alex Gonzaga-Morada ay tatlong beses nagka-miscarriage bago tuluyang nabuntis ng mister na si Mikee Morada, dalawang beses naman ang dating aktres na si Ritz Azul at ang non-showbiz husband nitong si Allan Guy.
Hindi ikinakaila ni Ritz na muli siyang kinabahan sa kanyang ikatlong pagbubuntis sa takot na muli itong mawala sa kanila ng kanyang mister. Pero nangibabaw ang strong faith nila sa Diyos.
Nakapagluwal siya ng isang baby boy na tinawag nilang Zie na isinilang niya through normal delivery nung nakaraang buwan.
Ikasal sila nung Nov. 20, 2021 in Baguio City na sinundan ng kanilang beach wedding in Coron, Palawan nung Dec. 11 sa kaparehong taon.
Dolphy, nagbabalik...
Sa darating na July 10, 2026 ay ika-14th death anniversary ng Comedy King na si Dolphy (Quizon) na sumakabilang-buhay sa edad na 83 nung July 10, 2012.
Ang pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion na dinirek ng apo ni Dolphy na si Boy2 Quizon at produced ng magtiyuhing Vandolph at Boy2 Quizon along with TJAV Productions ay kanilang tribute sa comedy king para sa nalalapit na Father’s Day sa June 21. Ang nasabing pelikula ay nagsilbi ring reunion ng ibang bumubuo ng cast tulad nina Nova Villa (Azon), Claudine Barretto (Bing), Vandolph (Baldo), Boy2 Quizon (Estong), Smokey Manaloto (Bill), Gio Alvarez, Cita Astals (Hillary) at Dang Cruz (Roxanne). Kasama rin sa movie sina Jenny Quizon, Pepe Herrera, Gardo Versoza, Sherilyn Reyes-Tan, Ces Quesada, Joymee Lim, Aurora Halili at kung saan naman ipinapakilala ang anak ni Vandolph na si Vito Quizon. May special participation si Epy Quizon.
Ang Home Along Da Riles: Da Reunion ay movie adaptation sa hit TV sitcom ng ABS-CBN, ang Home Along Da Riles na tumagal sa ere ng 11 taon mula 1992 hanggang 2003 na pinangunahan mismo ng yumaong comedy king na gumanap sa papel na Kevin Cosme.
Thankful sina Vandolph at Boy2 sa pamumunuan ng ABS-CBN through Cory Vidanes na siyang Chief Operating Officer (COO) ng Kapamilya Studios dahil ipinagamit sa kanila ang titulo sa pelikula na meron na ring naunang dalawang version nung 1993 and 1997.
Palabas na ang Home Along Da Riles: Da Reunion sa mga sinehan sa darating na June 17, 2026.
Dennis, umamin na sa kasalanan
Naniniwala ang actor-comedian at dating politician na si Dennis Padilla na kasalanan din niya kaya tuluyang napalayo sa kanya ang tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto.
Sa halip na sarilinin na lamang niya ang kanyang nararamdaman o ‘di kaya’y mag-reach out sa kanyang mga anak para makausap ang mga ito ay binabalingan niya ang social media kung saan siya nagra-rant o nagpapaabot ng kanyang hinanakit at sama ng loob.
Ang pinakahuling rant si Dennis ay may kinalaman sa wedding nina Claudia at Basti Lorenzo nung April 2025.
Sinubukan ng actor-comedian na mag-reach out kay Claudia pero hindi siya nagtagumpay dahil isinara na nito ang pintuan sa kanyang ama na sinundan ng pagpa-file ng petition sa korte dropping her surname na Baldivia (real family name ni Dennis) at gagamitin na lamang niya ang maiden name ng kanyang inang si Marjorie na Barretto. Mas magiging masakit kay Dennis kung pati sina Julia at Leon ay i-drop na rin ang apelyidong Baldivia.
- Latest





















