Janella at Klea, nilantad ang tunay na epekto sa isa’t isa!

Mapapanood na ngayon sa mga sinehan ang Open Endings na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Leanne Mamonong, Klea Pineda at Janella Salvador.
Sa naturang pelikula unang nagkatrabaho sina Janella at Klea. Mula noong isang taon ay madalas nang nakikitang magkasama ang dalawa sa mga pampublikong lugar.
Nagbigay ng opinyon si Klea tungkol sa romantic love. “Romantic love para sa akin, ‘yung nakakalma ‘yung sistema mo kapag kasama mo siya. ‘Yung napapahinga ‘yung ingay sa isip mo kapag kasama mo siya. ‘Yung nararamdaman mo na, ‘Ah ito, tahanan ko ‘to,’” makahulugang pahayag ni Klea sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ano nga ba ang tunay na estado ng puso ng dalawa ngayon? “Si Janella sa buhay ko, tahanan, home. Nakakalma niya lahat ng ingay sa isip ko, ‘yon siya sa akin. Nandito kami para sa isa’t isa palagi. Tapos parang marami akong natutunan sobra kay Janella, Tito Boy, na hindi ko ini-expect na, ‘Ah, ganito na pala dapat,’” pagtatapat ni Klea.
“Sino si Klea sa buhay ko? My favorite gay, and hopefully someone who will stay. I feel like we’re both at that points in our lives wherein we’ve matured and we really want to apply all the lessons that we’ve learned from our past to whatever we have now,” sagot naman ni Janella.
Bilang kaibigan ay nagbigay ng reaksyon si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa naging mga rebelasyon nina Janella at Klea. “I’m very happy. I think it’s such an important thing na makita rin ng mga madla na it’s normal to have same-sex relationships. Maybe this brings comfort na ini-interview (sila) na hinihimay natin ‘to, ang ganda rin. Maybe 20, 30 years ago baka hindi nga ‘to pwedeng mangyari on live TV. Ang sarap din ng feeling na umabot tayo sa ganito na on national TV we can openly discussing (same) sex relationships. Nakaka-proud din that people can be proud as well,” nakangiting pahayag ni Jasmine.
Samantala, kamakailan ay naging biktima ng rape threat o violence sa social media si Klea. Sinisikap ng aktres na umiwas nang magbasa ng mga hindi magandang komento ng netizens. “Actually lahat naman nang nababasa ko ngayon sa social media, iniiwasan ko talaga siya. Kasi halos lahat negative talaga ‘yon. Siya, (Janella) pinipigilan niya ako madalas kapag nakikita niyang nagche-check ako ng social media comments. Parang, ‘Ah, nagbabasa ka na naman mamaya wala ka na naman sa mood.’ Pero no’ng nakita ko ‘yung isang message na ‘yon, pinakita ko kaagad sa kanya and in-ask ko siya kung ano ang dapat kong gawin about it. Kasi nanginig ang buong katawan ko, Tito Boy. Parang umabot sa gano’n. Wala naman sigurong may deserve ng gano’ng klaseng threat,” kwento ni Klea.
Mayroong payo si Janella kay Klea upang makaiwas sa mga mapanirang salita sa social media. “First of all, huwag kang magbasa. Pero aside from that, really, nobody deserves on the receiving end of that. So ako, as much as possible, gusto ko lang maging nandiyan, makikinig lang ako kapag kailangan niya ako,” paglalahad ni Janella. — Reports from JCC
- Latest






















