^

PSN Showbiz

Bagong hubadera ng VMX, graduate ng communication arts!

Pilipino Star Ngayon
Bagong hubadera ng VMX, graduate ng communication arts!
Shalanie de Vera

Tapos ng Communication Arts ang maganda at  bagong VMX sexy star na si Shalanie de Vera na isa sa mga panguna­hing bida sa upco­ming VMX movie along with Athena Red kasama sina Mhack Morales at Chester Grecia mula sa panulat at direksyon ni King Abalos.

Kung ang ibang VMX stars ay nangangarap na makatawid sa mainstream TV at pelikula, si Shalanie ay nagmula sa Viva One bago nag-crossover sa VMX na identified sa sexy and adult films.

Wala naman daw siyang nakikitang mali sa paggawa ng sexy movies provided maganda ang kuwento nito na siya niyang unang kinu-consider bago niya gawin ang pelikula.

Ayon sa writer-director na si King Abalos, very collaborative umano si Shalanie kaya hindi siya nahirapang idirek ito sa kanyang first sexy movie na pinamagatang Latina.

Ipinaalam din umano ni Shalanie sa kanyang parents ang kanyang pagpapa-sexy at hindi naman sila tumutol.

Maricel, aligaga sa apo

Certified grandparents na ngayon ang mag-asawang Anthony Pangi­linan at Maricel Laxa matapos magsilang ng baby boy ang kanilang panganay na anak na si Ella at mister nitong si Enrique Miranda, kapatid ni Daniel Miranda, ang longtime partner ng Kapamilya actress na si Sofia Andres.

Super excited din ang Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan sa kanyang unang pamangkin.

Bukod kay Ella na isang lifestyle influencer, ang mag-asawang Anthony at Maricel ay may apat pang anak – sina Donny, Hannah, Benjamin at Solana.

Closeness ni Jodi sa dating asawa, hindi inasahan

Walang mag-aakala na magiging close at magkaibigang muli ang dating mag-asawang Pampi Lacson at Jodi Sta. Maria gayundin ang bagong partner ngayon ng anak ni Sen. Panfilo Lacson na si Iwa Moto.

Ang 21-year-old son nina Pampi at Jodi na si Thirdy ay super close rin kay Iwa gayundin ang mga anak nina Pampi at Iwa na sina Eve at Caleb kay Jodi na maituturing na modern family.

Nang mag-propose si Pampi kay Iwa ay isa si Jodi sa natuwa sa couple. Although sa taong 2028 pa mangyayari ang kasal ng dalawa, kasama ang Kapamilya actress na si Jodi sa mga tatayong Bridesmaids.

Awkward man para sa iba ang setup, hindi ito problema kina Pampi, Iwa at Jodi gayundin ang kanilang mga anak.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with