^

Dr. Love

Lulong sa casino ang nanay

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Isa akong nurse, pero maniniwala ka ba na naniningil ang nanay ko bilang kabayaran daw na maganda na ang buhay ko ngayon. 

Noon pa man ay kakaiba na ang nanay ko sa lahat, na walang inatupag kundi ang mag-casino. 

Wala na ang tatay ko na siyang nagpaaral sa akin. Wala na ring nagbibigay kay nanay ng pera. Ibinenta pa nga niya ang naipundar kong bahay at lupa. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili kong ina. Ang bisyo niya ang nagpapalayo ng loob ko sa kanya, pero wala naman sa isip ko na talikuran siya dahil nanay ko siya. Kaya lang, hindi niya ako tinatantanan tungkol sa pera  para may pang sugal siya. 

Payo ng mga kaibigan ko na lumayo ako kay nanay dahil sa sobrang sama ng ugali nito. Tama ba ang gagawin ko?  

Zhia

Dear Zhia,

Marahil ay tama ang mga kaibigan mo. Habang alam ng nanay mo na may nakukuha siyang pera ay hindi ito titigil sa pagsusugal. 

Pero hindi ibig sabihin na pababa-yaan mo na siya. Hindi masama ang lumayo kung iyon ang paraan para mapanatili ang kapayapaan at katatagan mo. 

Huwag kang sumuko na paalalaha-nan ang nanay mo sa kanyang pagsusugal. 

Maghanap ka ng ibang kamag-anak na maaaring makinig ang nanay mo. 

Pwede mo pa ring piliin na magbigay ng tulong sa kanya sa paraang hindi ka naaabuso, pero nasa iyo ang desisyon kung hanggang saan ang kaya mo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with