^

Police Metro

Gatchalian bloc, malapit nang maging 13 — Bam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senador Bam Aquino na malapit nang maging 13 ang miyembro ng grupo ni Senador Sherwin Gatchalian­ upang tuluyan nang mahalal bilang senate­ president.

Magugunita na ilang araw nang nag­kakaroon ng deadlock sa Senado dahil­ tumanggi si Senate President Alan Peter­ Cayetano na bumaba sa puwesto hangga’t walang 13 ang bilang ng bagong mayorya alinsunod sa 1987 Saligang Batas.

Ang nasabing “tunggalian” sa pagitan ng dalawa ay nagdudulot ng kalituhan sa mga empleyado.

Kabilang si Aquino sa grupo ni Gatchalian na bomoto rin upang maging Senate President Pro Tempore ito.

Bagaman at nagkaroon ng sesyon noong Hunyo 3 matapos sumipot sa plenaryo si Senator Francis “Chiz” Escudero hindi naman nakapaghalal ng bagong Senate President dahil 12 lamang ang bilang ng grupo ni Gatchalian.

Naideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Senado at napalitan ang posisyon ng Senate President Pro Tempore pero kailangan pa rin ang boto ng 13 senador para sa bagong Senate President.

BAM AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with