Senado may seryosong banta sa seguridad

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senador Vicente “Tito” Sotto III nitong Martes na may natanggap na “napakaseryosong” banta sa seguridad ng Senado mula sa impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
“The threat is a clear and present danger therefore serious considerations must be taken… Very serious according to the intel,” ani Sotto.
Aniya, ang pagpapatupad ng lockdown ay isang option, pero nakadepende umano sa mga panukalang pangseguridad at rekomendasyon mula sa mga sangkot sa seguridad upang matukoy kung itutuloy ang mga pagdinig. Hindi naman masabi ni Sotto kung may nagbabalak na kudeta.
Una rito, isiniwalat ni acting Senate President Sherwin Gatchalian na may natanggap silang impormasyon mula sa NBI na may threat sa Senado, bagama’t hindi ito idinetalye.
“During the Blue Ribbon consultative meeting yesterday, NBI Director Melvin Matibag informed the sectors present that there is a potential threat to the Senate building and the Senate premises,” sabi ni Gatchalian.
Kaugnay nito nakipag-meeting si Gatchalian sa Senate Executive Committee, kabilang ang Sergeant-at-Arms, upang mas mapalakas ang seguridad sa Senado.
“The security and safety of all senators and Senate employees is paramount. We will make sure that our work environment is safe and secure,” ani Gatchalian.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang senador tungkol sa naturang banta.
Bukod sa pag-iinspeksiyon ng mga pumapasok na sasakyan, kinabitan din ng barbed wire sa gate ng Senado at security perimeter barriers sa may kalsada.
Samantala sa isang advisory, iniutos ni Gatchalian ang work-from-home arrangement sa lahat ng tanggapan sa Senado mula Hunyo 10-11 bunsod na rin ng nasabing “security threat”.
- Latest



















