Nasawi sa magnitude 7.8 lindol, umakyat sa 38

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 38 ang bilang ng nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, 488 ang sugatan at apat ang patuloy na nawawala.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 33 ang namatay sa Soccsksargen (18 sa Sarangani, 12 sa General Santos City at 3 sa South Cotabato). Apat naman ang nasawi sa Davao Region habang isa pang bangkay ang nakuha kahapon.
Nakapagtala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng nasa 1, 158 aftershocks kahapon. Sa naturang bilang, nasa 28 aftershocks ang naramdaman at 328 aftershocks ay nairecord lamang.
Naitala ito sa General Santos Seismic Station ng Phivolcs sa Don Marcelino Davao Oriental na may lakas na 1.3 magnitude at may pinaka-malakas na 6.4 magnitude aftershocks.
Ayon sa Phivolcs, patuloy pa rin silang nakakapagtala ng aftershocks sa bandang hapon kahapon.
- Latest





















