Jobless Pinoy bumaba noong Abril
MANILA, Philippines — Bumaba sa 4.7% o 2.41 milyon ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho nitong Abril, base sa pinakahuling labor force survey ng PSA.
Mas mababa ito kumpara sa 5% noong Marso at 5.8% unemployment rate noong Enero.
Tumaas naman sa 95.3% ang employment rate, na katumbas ng humigit-kumulang 49.89 milyong Pinoy na may trabaho o negosyo noong Abril.
Samantala, nasa 15.2% ang underemployment rate, o mga manggagawang naghahanap pa ng karagdagang oras o dagdag na trabaho.
Kabilang sa mga sektor na nagtala ng pagtaas ng employment ang agriculture, forestry, wholesale, at retail trade, accomodation and food service at construction.
May malaking pagtaas din sa bilang ng mga may trabaho sa mga hanapbuhay gaya ng skilled agri at fishery workers, elementary occupations, at service at sales workers.
- Latest



















