^

Bansa

Lacson nagbabala sa ‘frustration’ sa hanay ng AFP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pag-aalala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes na ang lumalaking “frustration” sa hanay ng sandatahang lakas ay maaaring magdulot ng panganib kung pagsasamantalahan ng mga destabilizer.

Binanggit ni Lacson ang “sketchy at raw” na impormasyon na nakara­ting sa kanya, na nagsasabing ang posibleng banta ay kaugnay ng power play sa Senado, gayundin ng mga isyu sa flood control anomalies, inflation, pagtaas ng presyo ng langis, at iba pa.

“As per information, though still sketchy and raw, the level of frustration within the armed services has reached up to battalion and regional levels,” aniya.

Sinabi niya na ang mga nasa sandatahang lakas ay mahigpit na minomonitor ang mga kaganapan sa patuloy na krisis sa pambansang antas, na aniya ay dulot ng kombinasyon ng mga panloob at panlabas na salik.

Kabilang sa mga isyung binanggit ang power play sa Senado, mga anomalya sa flood control, implasyon, at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Binigyang-diin ni Lacson na batid ng mga ito sa kasaysayan na walang matagumpay na kudeta kung walang suporta ng sibilyan. Dahil dito, sinabi niyang ang mga tauhan sa sandatahang lakas na “tahimik” na nagpapahayag ng kanilang frustration ay patuloy na nagmamasid sa mga kaganapan.

“The danger is, if some unscrupulous and power-hungry destabili­zers among some aligned political groups would take advantage by fanning the flame of discontent, rightly or wrongly, which could trigger widespread mass movements and protests,” aniya.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with