PANOORIN: Ateneo rookie, Nigerian center nasawi sa team-building incident
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw ng incoming Blue Eagles rookie na si Rene Baterbonia at Nigerian center Divine Adili matapos ang isang drowning incident sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Si Baterbonia, 19, ay dating Most Valuable Player ng Palarong Pambansa at kamakailan lamang lumipat sa Maynila upang simulan ang kanyang collegiate career sa UAAP.
Si Adili naman, 21, ay bahagi ng Ateneo Blue Eagles para sa UAAP Season 88.
Nagpaabot ng pakikiramay ang unibersidad sa mga pamilya, kaibigan, coach at mga kasamahan ng dalawang atleta.
- Latest


















