DSWD sa Mindanao pinakilos para sa quake victims

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa lahat ng regional directors ng DSWD Field Offices (FOs) sa Mindanao ang agarang pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) na apektado ng 7.8-magnitude na lindol sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
“Kasunod ng magnitude 7.8 na lindol, nakaantabay ang DSWD Field Office 12 at inihahanda na ang mga kinakailangang response assets,” sabi ni Secretary Gatchalian.
Aniya, ang DSWD ay may higit 1.1 million boxes ng family food packs (FFPs) sa Mindanao lamang para maipamahagi sa mga apektadong pamilya at indibidwal.
Ayon sa DSWD’s Disaster Response Management Group (DRMG), nitong June 2, mayroong 4.7 million FFPs ang naka prepositioned nationwide at available para agarang maipamahagi sa panahon ng disaster at emergencies.Aniya, ang Quick Response Teams (QRTs) ng DSWD Field Office ay naka-standby at patuloy na sinusubaybayan at nakikipag-ugnayan sa mga LGUs para sa possible resource augmentation.
Inatasan din ni Gatchalian ang pagde-deploy ng social workers sa mga designated evacuation centers para makipagtulungan sa mga local social workers na rumesponde sa mga biktima at ipinakakalat din ang kanilang mobile command centers at mobile kitchens.
- Latest























