Taylor, legit na richest musician sa kasaysayan!

Si Taylor Swift ang “richest musician in history” ayon sa Forbes. May estimated na $2 billion net worth ang multi-awarded singer-songwriter.
Malaking part ng fortune ni Taylor ay ang kanyang music catalog at ang kanyang Eras Tour na “highest-grossing concert tour in history” with revenues of $2.2 billion.
In 2025, Swift announced that she had bought the rights to her first six albums. Naglabas ng $360 million si Taylor to regain ownership ng kanyang recordings. Kaya all royalties ay diretso sa kanya.
Ang latest hit single ni Taylor na I Knew It, I Knew You na theme song ng Toy Story 5 ay ang “most-streamed country song in a single day by a female artist” on Spotify, Apple, and Amazon Music.
Golden, may diploma na
Ipinagdiriwang ng grand winner ng unang season ng The Clash na si Golden Cañedo ang isang malaking tagumpay matapos makapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing.
Sa Instagram, binalikan ni Golden ang kanyang journey at sinagot ang mga tanong ng mga fans kung bakit siya lumayo sa showbiz.
Bagama’t nagpapasalamat pa rin siya sa mga oportunidad na nakuha niya sa entertainment, ibinahagi niyang mayroon din siyang mga pangarap sa labas ng spotlight na nais niyang abutin.
Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang mga taon sa kolehiyo, sinabi ni Golden na ang pagkamit ng kanyang diploma ay bunga ng hindi mabilang na sakripisyo, mga gabing walang tulog, luha, at dasal habang pinagsasabay niya ang pagiging nursing student at mang-aawit.
Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay para sa kanilang walang sawang suporta sa buong academic journey niya.
- Latest

























