PANOORIN: Lindol sumabay sa flag ceremony sa Davao Occidental
MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng kanilang na flag ceremony ang mga estudyante at guro ng Mahayahay Elementary School sa Davao Occidental nang maramdaman ang malakas na pagyanig dulot ng magnitude 7.8 na lindol nitong Hunyo 8.
Makikita sa video mula sa paaralan na nasa labas na ang mga estudyante at guro nang tumama ang lindol bandang 7:38 ng umaga.
Agad namang ipinatupad ng mga guro ang mga safety protocol at wala namang naitalang nasugatan batay sa paunang ulat. Kalaunan ay sinuspinde rin ang mga klase.
Patuloy pa ring sinusuri ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
- Latest


















