^

Police Metro

Paligid ng Mendiola, bantay-sarado sa kilos-protesta

Mer Layson - Pang-masa

Malacañang bibigyan ng proteksyon…

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ay personal na ininspeksyon ni Manila Police District Director PBGen. Arnold Santiago ang Mendiola.

Ito ay para paghandaan ng MPD ang posibleng pagsasagawa ng kilos protesta sa nasabing lugar at pinatitiyak sa kaniyang mga tauhan na protektahan ang ehekutibo ng pamahalaan, partikular na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. para hindi maapektuhan ang kanilang aktibidad.

Kabilang sa kaniyang ininspeksyon ay ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng Palasyo ng Malacañang.

Siniguro rin ni Santiago na may sapat silang mga tauhan upang magbantay sa Malacañang at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Maynila,sa Araw ng Kalayaan.

Una ng lumabas ang ulat na may ilang grupo ang nakatakdang magsagawa ng kilos protesta sa Hunyo 12, subalit wala pang natatanggap ang Philippine National Police na mga banta ng destabilization sa nasabing araw.

MALACAñANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with