^

Punto Mo

Krimen sa Western Visayas, bumababa! - Tuaño

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PUMADAUSDOS ang bilang ng krimen sa Western Visayas sa unang apat na buwan ng taon, at sinisiguro ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño na mas bababa pa ito sa hinaharap bunga sa pagkahuli ng walong regional most wanted persons. Kaya naman tiwala si Tuaño na masugpo ng mga police commanders ang kriminalidad dahil ginawa nila na prayoridad ang pagpalakas ng police visibility, at isinulong ang targeted anti-criminality operations at koordinasyon sa lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders. Sa ilalim ng pamumuno ni Tuaño, mananatiling nakatuon ang PRO6 sa adbokasiyang “Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas.” “Ang gusto natin, ramdam ng tao na nandiyan ang bagong pamunuan ng pulis para tumulong at hindi lang para manghuli,” ani Tuaño. Get’s n’yo mga kosa?

Ayon kay Tuaño, may 147 focus crimes incidents na naitala noong Enero hanggang Abril at mababa ito kumpara nitong 2025. Sinabi ni Tuaño na ang pagsusuri sa buwanang crime trends ay nakatutulong sa mga field commander upang i-adjust ang deployment plans, palakasin ang presensya ng pulisya sa mga natukoy na lugar, at paigtingin pa ang mga operasyon laban sa kriminalidad sa antas ng komunidad. Sal-it! Sa pinakahuling monitoring, naitala ang zero focus crime incidents sa buong rehiyon noong Mayo 22 at Mayo 25. Noong Mayo 26 naman, isang focus crime incident na physical injury ang naitala. Kung gagawing basehan ang mga numerong nasa itaas wala ng ibang patutungunan ang kriminalidad sa Western Visayas kundi bumaba. Dipugaaaa!

“Ang mga naitalang insidente noong mga nakaraang buwan ay nagsisilbing gabay kung saan natin kailangang mas palakasin ang police visibility at security measures,” ani Tuaño.” Layunin natin ang tuluy-tuloy na pagpapabuti ng peace and order sa pamamagitan ng presensya ng pulis, pakikipagtulungan ng komunidad, at mabilis na tugon. Hindi tayo dapat maging kampante; kailangang panatiling alerto at maagap para mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad.” Sanamagan!

Ganun na nga ang ginawa ni Tuaño kaya’t walong most wanted persons sa iba’t-ibang bahagi ang Western Visayas ang natapon sa likod ng karsel na bakal mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5. Dahil nawala na sila sa kalsada, tiniyak ni Tua? na makadagdag ito sa pagpapababa ng krimen sa kanyang sakop. Anong sey n’yo mga kosa? Ayon pa kay Tuaño, ipinapakita ng tagumpay na ito ang matatag na tindig ng PRO6 sa pagtugis sa mga wanted persons sa pamamagitan ng tuluy-tuloy at organisadong operasyon.

Binigyang-diin ni Tuaño na ang initial na tagumpay na ito ay bunga ng pinalakas na intelligence-led policing at synchronized operations sa buong rehiyon. Mismooooo! 

Anong sey mo PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Sir?  Abangan!

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with