^

Bansa

Win usap tayo - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Win usap tayo - Cayetano
Senator Alan Peter Cayetano at acting Senate President at Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inimbitahan ni Senator Alan Peter Cayetano si acting Senate President at Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian sa isang pagpupulong para pag-usapan kung sino sa kanila ang tunay na pangulo ng Senado.

Ayon kay Cayetano, may naiisip siyang solus­yon sa isyu kahit sa tatlong libro na hawak niya ay siya pa rin ang lehitimong presidente ng Senado.

“I’ll offer you a solution, Senator Win. Mag-meeting tayo. May naiisip akong solusyon. Mahirap humanap ng solusyon kung sino ang tunay na Senate president kasi ‘yung tatlong libro na hawak ko ay nagsasabing ang legitimate Senate president ay ‘yung nahalal ng 13,” ani Cayetano sa isang Facebook livestream nitong Sabado.

Matatandaan na sa pagharap ni Cayetano sa isang press conference noong Huwebes, ipinakita nito ang kopya ng isang Bibliya, kopya ng Philippine Constitution, at kopya ng Rules of the Senate.

Sa huling araw ng sesyon ng Senado noong nakaraang linggo ay nagpakita sa plenaryo si Sen. Francis “Chiz” Escudero na naging dahilan upang magkaroon ng quorum dahil naging 12 ang nasa session hall.

Agad na ipinadeklara na bakante ang lahat ng posisyon sa Senado at naitalang Senate President Pro Tempore si Gatchalian na tumatayo ring acting ­Senate President.

Una nang kinilala ng mga pangunahing law schools, legal institutions, Malacañang, at Integra­ted Bar of the Philippines (IBP) ang bagong pamumuno ni cting Gatchalian kasunod ng kanyang pagkakahalal noong Hunyo 3.

ALAN PETER CAYETANO

SHERWIN “WIN” GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with