Top 7 ‘most wanted’ ng Region 2, nadakma
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang tinaguriang number 7 most wanted ng Rehyon 2 (Cagayan Valley), matapos masukol sa Sitio Hukhukyung, Barangay Labang, Ambaguio ng lalawigang ito kamakalawa.
Kinilala ang nadakip na akusado na si alyas “Nanding”, 38, isang magsasaka at residente ng Barangay Labang sa nabanggit na bayan.
Armado ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cicero Jandoc, Presiding Judge of RTC, Br. 29 Bambang, Nueva Vizcaya, ay dinakma ng mga operatiba ng pulisya ang akusado dahil sa kinahaharap nitong kaso ng panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nasa pangangalaga ngayon ng Ambaguio Police ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa pinagmulan ng warrant.
- Latest

















