^

Bansa

Blue Ribbon hearing ng Cayetano bloc iregular - law experts

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Walang secretary, stenographer

MANILA, Philippines — Nagsalita na ang mga legal experts sa bansa na “irregular” ang idinaos na pagdinig ng Cayetano bloc Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4, dahil sa kawalan ng Senate secretary at stenographer na magrerekord sa kaganapan.

“Hindi matutulungan ‘yung pagsusulat ng batas kung walang record ‘yung mga senador noong mga naganap at nasabi. Kaya nga mukhang irregular ‘yung nangyari kahapon,” sabi ni UP College of Law Associate Dean Atty. Paolo Tamase.

“Mayroon irregularity doon sa proceeding yesterday kasi nga po if you noticed wala nga, based on the write-ups that read ‘no, wala nga pong stenographer, and there was also no Senate secretary… Kasi nga wala ngang authority, kumbaga ‘yung proceeding, it’s as if it did not happen or it did not take place,” sabi naman ni IBP National President Atty. Allan Panolong.

Sa panig ng Gatchalian bloc, itinuring nilang “unauthorized gathering” ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee na itinuloy sa kabila ng pag-postpone ng kanilang komite.

Sinabi ng bagong talagang chairman ng nasabing komite na si Sen. Erwin Tulfo na “invalid” ang hearing.

“Kasi po hindi naman po recorded po ‘yon. Hindi po ba wala pong ahente sa Senate po namin na books, so wala pong saysay maski manumpa sila hanggang gusto nila, Ibigay man nila sa Ombudsman ‘yon eh hindi po tatanggapin ‘yon,” pahayag ni Tulfo sa pa­nayam ng Balitanghali.

Ang Cayetano bloc-led hearing noong Hunyo 4 ay nagprisinta ng 18 “ex-Marines” bilang resource persons na nagsangkot na naman sa mga panibagong personalidad  na nabigyan diumano ng male-maletang cash kaugnay sa flood control scandal.

Ipinaliwanag pa ni Tamase na ang 18 resource persons ay hindi mabibigyan ng immunity, ideklara mang legal o hindi ang hearing dahil hindi nakasunod sa requirements kaya maari silang mapanagot sa libel at defamation.

HEARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with