^

Police Metro

6K kabataan nanawagan, vape at e-cigarette i-ban

Ludy Bermudo - Pang-masa
6K kabataan nanawagan, vape at e-cigarette i-ban
Ikinatuwa ni Health Secretary Ted Herbosa ang nai-produce na film festival ng mga kabataan tungkol sa problema sa vaping dahil suportado ng kagawaran na ma-ban ang vape sa Pilipinas.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanawagan ang libu-libong kabataan at ang Department of Health (DOH) sa agarang pagpapatigil ng paggamit o pag-ban ng vapes at e-­cigarettes sa bansa, kasabay sa paggunita ng “World No Tobacco Day”.

Ikinatuwa ni Health Secretary Ted Herbosa ang nai-produce na film festival ng mga kabataan tungkol sa problema sa vaping dahil suportado ng kagawaran na ma-ban ang vape sa Pilipinas.

“Ang kalusugan ng kabataan ay non-negotiable, kailangan ma-ban ang vapes,” ayon sa DOH.

Ang panawagan na pinangunahan ng TobaccOFF NOW! Movement ay humihiling na kumilos ang gobyerno at makialam sa tobacco at vape industry sa bansa upang maprotektahan ang kanilang henerasyon sa matagal nang pagkalulong sa nikotina.

Umabot sa mahigit 6,000 kabataang Pilipino ang lumahok sa online at on-ground regional ­activities para sa World No Tobacco Day, na ­sinimulan ng Mayo 20-31.

Kabilang din sa ­manifesto ang panawagan sa mga mambabatas na ­palakasin ang pagpapatupad ng mga adverti­sing laban sa vapes at e-­cigarettes, ipagbawal ang youth-oriented product designs at mga flavoring.

Habang hindi pa ban, iminungkahi rin ng grupo na itaas ang age limit mula 18-anyos sa 25-anyos sa pagbabawal na makabili ng vape; at ipagbawal ang flavors ng mga vape na sa kasalukuyan ay nasa 16,000 flavors sa international market, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), at itaas ang buwis ng vape.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with