Belle, alam na kung paano magsakripisyo!

As of this writing ay umabot na sa P70 million ang kita ng Tayo Sa Wakas starring Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ito ay pagkatapos ng mahigit isang isang linggong pagpapalabas sa mga sinehan.
Malaki ang chance na by next week ay aabot na ito ng P100 million.
Pero hindi lang ang mga nakanood ng pelikula, maging sina Donny and Belle ay naapektuhan sa kuwento ng Tayo Sa Wakas, na para bang may nagbago sa love language nila pagkatapos gawin ito. “Well, of course, one is the maturity of the growth of how it is to love someone but also how much I can give to love someone/give when I’m loving someone. How much can I sacrifice? I mean, it also made me question. And I think, ‘yun napakanood at manonood pa lang, will ask themselves. How much are you willing to sacrifice for the person you love, or how much will you give up for them?” pag-amin ni Belle.
“Ayun, maganda ‘yun. Maganda kapag may words of affirmation,” sabi naman ni Donny na ang niri-refer ay ring tone na nagsalita ng ‘I love you’ habang nagaganap ang Star Magic Spotlight presscon.
Dagdag niya: “Dapat i-remind ang isa’t isa kung gaano kamahal ang isa’t isa. Ayun din, not finding yourself through another person, it has to come within first. You cannot expect another person to fill that void, to fill you up to complete you because it will not work.”
Sa nasabi ring event ay bumalik sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan nila bilang magka-loveteam.
Ang pelikulang Tayo Sa Wakas na ang bubuwag pansamantala sa kanilang DonBelle loveteam.
“Alam mo, just watching the VTR, napapaisip ako, dami-dami natin pinagdaanan,” sabi ni Belle.
“Parang ibinalik kami sa memory lane. And now nasa journey tayo ng Tayo sa Wakas. You know, sobrang grateful talaga. Just really grateful for the love and the support that we’ve been getting,” dagdag ng actress.
Pahayag naman ni Donny: “At siyempre, gusto namin magpasalamat sa aming Star Magic family.
“Happy kami. We’re very happy that we got to share this type of film. And we’re very glad that a lot of the themes surrounding this film, siyempre nakaka-relate… Hindi lang ‘yung generation na ito, pero lahat ng generation, lahat ng tao. Everyone going through relationships. Lahat ng taong nagmahal at gustong magmahal,” sabi pa ng actor.
- Latest





















