^

Police Metro

Agawan sa liderato ng senado, tapusin na!’

Gemma Garcia - Pang-masa
Agawan sa liderato ng senado, tapusin na!’
Kabilang sa mga nanawagan ay sina Senators Koko Pimentel at Franklin Drilon, gayundin ang mga kasalukuyang Senador na sina Senators Vicente Sotto III at Juan Miguel Zubiri.
Ryan Baldemor

4 ex-Senate President umapela:

MANILA, Philippines — Umapela ang apat na dating Senate President na tuldukan na ang agawan sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Kabilang sa mga nanawagan ay sina Senators Koko Pimentel at Franklin Drilon, gayundin ang mga kasalukuyang Senador na sina Senators Vicente Sotto III at Juan Miguel Zubiri.

Sa panawagan ng apat, agad na resolbahin ang krisis sa liderato ng Senado na base sa nakasaad sa Konstitusyon sa rules at sa long standing practice.

Giit ng apat na dating SP  na hindi na kakayanin pa ng bansa ang “unstable Senate” sa gitna ng problema sa ekonomiya at tumataas na bilang ng hindi nagtitiwala sa institusyon.

Maliban dito, nagpapahina rin aniya ito ng pagtitiwala ng publiko kaya dapat  na ilimita lang ang kanilang hindi pagkakasundo sa floor at sa tamang forum kung saan ang agrumento at pagboto ay nabubusisi ng publiko.

Matatandaan na tinawag na ilegal ng ­ka­mpo ni Senador Alan Peter ­Cayetano ang nangya­ring pag-upo sa puwesto ni Senador Win Gatchalian noong Hunyo 3.

Para naman sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), ang June 3 Senate session ay balido at naayon sa batas dahil dalawang senador ang wala at hindi mautusang dumalo sa sesyon at ang physical presence ng 12 senador ay valid quorum.

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with