Jillian, ayaw na ng lantarang lovelife

Simula ngayong Linggo ay mapapanood na sa GMA ang The Clash Teens. Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang hosts ng pinakabagong season ng The Clash.
Makakasama ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa Clash Panel bilang mga pinakabagong hurado sina JL ng BGYO at Jillian Ward. “So iba ‘yung energy niya and I think ang The Clash Teens, bini-break niya ‘yung stereotypical na singing contest. Kasi we know ‘yung mga Gen Zs talagang very clear po sila sa identity nila. Ngayon less na sa pagbibirit, it’s more about their storytelling. Subaybayan rin po ninyo ang mga backstage ganap at lalong makikilala po natin ang Teen Clashers sa Behind the Clash,” pagbabahagi sa amin ni Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng tinaguriang Star of the New Gen nang unang mabalitaan na magiging isa sa mga hurado ng programa. Puspusang paghahanda ang ginawa ni Jillian upang magawa nang maayos ang trabaho bilang isa sa mga hurado ng The Clash Teens. “Siyempre nando’n po ‘yung kaba, nando’n ‘yung takot kasi first time ko po magdya-judge eh. I made sure din po na nag-singing lessons ako, nag-research ako. And ever since talaga bata po ako, mahilig na po ako sa halos lahat ng genres of music. So grabe po akong mag-research. Tinanggap ko po talaga siya kasi bago siyang chapter ng buhay ko, bagong chapter ng craft ko. So, I really wanted to do it, lalo na po puro Gen Z ‘yung mga contestants. So, I think meron po akong mashe-share na wisdom sa kanila. Tumanda na po ako dito sa industry, alam ko kung paano ma-pressure. Alam ko na I can give them advices on how they could keep on going despite po ‘yung mga naririnig nila,” pagbabahagi ng dalaga.
Samantala, nagsimulang maugnay noong isang taon si Jillian sa anak ni Manny Pacquiao na si Eman Bacosa Pacquiao. Napabalita ring mayroon na diumanong espesyal na namamagitan sa dalawa. Kamakailan naman ay magkasamang nanood ng concert ni Jessica Sanchez sa Araneta Coliseum si Jillian at ang kapwa-Sparkle artist na si Kobie Brown. Para sa Kapuso actress ay gusto lamang niyang maging pribado ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Recently na-realize ko po na I want to keep this part of my life na private. Gusto ko rin po maprotektahan ‘yung tao sa paligid ko, whether family ko ‘yon, or friends ko, or loved ones. Gusto ko na maging private siya para mas ma-cherish ko ‘yung mga connections ko, relationships ko with people. And I want to protect their privacy, lahat ng mga tao around me,” makahulugang paliwanag ng Star of the New Gen.
(Reports from JCC)
- Latest
























