^

Pang Movies

Robin, isinabay ang Bad Boy 3 sa gulo sa Senado!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Robin, isinabay ang Bad Boy 3 sa gulo sa Senado!
Robin

After almost 11 years in the making, maipapalabas na rin sa mga sinehan this 2026 ang part 3 ng iconic film na Bad Boy movie franchise na lahat pinagbidahan ng action superstar-turned senator na si Robin Padilla, which he himself co-produced under his own production.

Taong 1990 nang unang gawin ni Robin ang part 1 ng Bad Boy sa bakuran ng  Viva Films. Hanggang ito ay nasundan ng Bad Boy 2: Oo Na, Sige Na at Bilib Ako Sa ‘Yo nung 1992.

Sa simula pa lamang ng pagsasapelikula ng Bad Boy 1 ay nakuha na ni Robin ang taguring Bad Boy of Philippine Cinema na kanyang minana sa original na may tangan ng titulo, the late action star na si Ace Vergel na sumakabilang-buhay sa edad ng 53 nung Dec. 15, 2007.

Sa pelikulang Bad Boy 3 ay tampok naman sina Juancho Triviño, Dennis Padilla, Joko Diaz, Bembol Roco, Nadia Montenegro kung saan may cameo role ang bunso nitong anak (sa actor na si Baron Geisler) na si Sofia, at iba pa.

Hard action ito na maraming violent and gory scenes kaya R-18 ang nakuha nitong rating mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Hindi man inamin sa amin ni Robin kung magkano inabot ang buong production ng Bad Boy 3, obvious na ginastusan ito nang malaki at hindi tinipid laluna pagdating sa maraming pasabog at latest edition ng guns, firearms and ammunitions.

During the special media screening ng pelikula, ibinahagi ng action star, senador, director at producer na pre-production stage na rin ang part 4 ng Bad Boy kung saan umano niya ipapasa ang titulo ng pelikula sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla na ipinaaasikaso na niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Rommel Padilla, ama ni Daniel.

Kanya ring ibinalita na nakatakda rin siyang gumawa ng isang pambatang pelikula, ang movie remake ng pelikulang In My Little Room na ipinalabas nung 1976.  Meron din umano siyang gagawing pelikula, his reunion movie with Megastar Sharon Cuneta.

“Marami na akong utang kay Boss Vic (Del Rosario of Viva),” pahayag pa ni Robin na patuloy sa pagiging controversial dahil sa mga kaganapan ngayon sa Senado na wala pa ring katiwasayan.

Hindi ikinakaila ni Robin na ibang-iba umano ang kalakaran sa pulitika kumpara sa showbiz.

Samantala, kahit may dementia na ang mommy niyang si Mommy Eva Cariño (in wheelchair), ay isinama ito ng brother ni Robin na si Rommel para mapanood ang pelikula ng anak. Naroon din ang iba pang mga kapatid at ibang kaanak at malalapit na kaibigan ni Robin maging ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with