^

Pang Movies

Melai, may nahugot kay Ellen!

Salve V. Asis - Pang-masa
Melai, may nahugot kay Ellen!
Melai

MANILA, Philippines — Kabilang sina Manny at Jinkee Pacquiao ganundin si Mommy Dionisia Pacquiao sa gustong chikahin ni Melai Cantiveros-Francisco sa pagbabalik ng trending na Bisaya podcast na Kuan On One para sa ika-lima nitong season simula ngayong Martes (Hunyo 9), 8 a.m., sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWant.

Nag-message na raw siya sa Pambansang Kamao pero may laban daw ito that time.

Pero sana raw ay mas mauna niyang ma-interview ang kambal na sina Jinkee at Janet na pakiramdam niya ay pareho ang takbo ng utak at hindi nag-aaway kahit kailan.

Ibinahagi rin ng pambansang Kuantie ang ilan sa unang guests na mapapanood ngayong season, kabilang ang actress at celebrity mom na si Ellen Adarna, na aniya ay life-changing, na tampok sa unang dalawang episodes ng podcast. Makakasama rin sa susunod na episodes ang kapwa niya Pinoy Big Brother: Double Up batchmate na si Paul Jake Castillo, at si Mark Bautista.

Pero iba raw talaga ang usapan nila ni Ellen: “Life-changing kay Ellen Adarna. May realization ka kasi na ang life ay ganun talaga. Pagdaraanan mo talaga ang kailangan mong pagdaanan. So life-changing siya because ang dami ko sa kanyang nakitang very Visaya-rooted and makikita mo sa kanya ang pagka-humble, ‘di ba Ellen Adarna ‘yan, very sosyal, mayaman ‘yan, makita mo ang wisdom niya sa interview ko sa kanya,” sabi pa ni Momshie Melai.

Buong puso ngang sinubaybayan ng Bisaya at Pinoy Kuanizens sa Pilipinas at maging ng mga kababayang Pinoy abroad ang mga nakaraang season ng Kuan On One dahil sa relatable na mga kuwento, riot na katatawanan, at good vibes na hatid ni Melai sa bawat episode kasama ang tampok na proud Bisaya stars ng showbiz industry.

At patuloy ring lumalawak ang naaabot nito dahil mas dumarami rin ang viewers na kahit hindi Bisaya ay nakaka-relate sa walang filter at masayang kuwentuhan kasama si Melai.

Mapapanood ito tuwing Martes, 8 a.m. na mapapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang most subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia, at sa iWant, ang streaming platform na may pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels.

MELAI CANTIVEROS-FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with