Lalaki nakasako ang ulo natagpuan sa Cavite
CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang isang ‘di pa nakikilalang lalaki na natagpuang nakabalot ng sako ang ulo nito sa kahabaan ng Sitio Kumba road Brgy Alingaro Gen. Trias City Cavite, kamakalawa.
Hindi pa nakikilala ang biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon ito sa gilid ng kalsada.
Base sa ulat, alas-7:03 ng umaga ng matagpuan ng ilang bystander ang biktima na nakadapa sa lugar at nakasako ang ulo nito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, may mga nakitang mga patak ng dugo ‘di kalayuan sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, mga suspek at mabatid ang motibo sa pamamaslang.
- Latest





















