^

Bansa

Pinas bigong masungkit UN seat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil umano sa ingay sa pulitika, nabigo ang Pilipinas na makakuha ng puwesto sa United Nations Security Council (UNSC) matapos hindi makuha ang kinakailangang two thirds ng 190 boto mula sa General Assembly.

Natalo ang bansa sa Kyrgyzstan na nakakuha ng 142 boto sa ika-apat na round ng halalan, samantalang 49 boto lamang ang nakuha ng Pilipinas. Ang puwesto sana ay magbibigay ng kapangyarihan sa Manila na makibahagi sa mga desisyon ng UN hinggil sa armaments, sanctions, at military action laban sa agresyon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Tess Lazaro, iginagalang ng Pilipinas ang desisyon ng mga miyembro ng UN at binati ang Kyrgyz Republic. Dagdag niya, mananatiling nakatuon ang bansa sa pagsusulong ng kapayapaan, diyalogo, internasyonal na batas, at kooperasyon sa pandaigdigang komunidad.

Sa halalan, apat na bansa ang agad na nakakuha ng puwesto: Austria, Portugal, Trinidad and Tobago, at Zimbabwe. Ang limang bagong halal ay papalit sa Denmark, Greece, Pakistan, Panama, at Somalia sa Enero 2027.

Binanggit ni Philippine Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez na mahalaga sana ang ­puwestong ito para sa Pilipinas dahil sa mga hamon sa West Philippine Sea.

Naniniwala naman si Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi nakakuha ng puwesto sa UNSC ang Pilipinas dahil sa kaguluhan sa pulitika at tensyon sa bansa. Giit ni Castro, nakikita ng buong bayan at mundo ang ingay sa pulitika sa bansa kaya nagiging negatibo ang impresyon sa Pilipinas.

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with