Ako pa rin ang Senate President Pro Tempore - Legarda
MANILA, Philippines — Iginiit nitong Huwebes ni Senadora Loren Legarda na siya pa rin ang Senate President Pro Tempore sa kabila ng paghalal ng 12 senador kay Senador Win Gatchalian sa puwesto at iginiit na hindi pa siya nagbibitiw sa posisyon.
“I am not AI. I’m alive and I’m present. Ako po’y nandito bilang Senate President Pro Tempore at miyembro ng 24-men and women ng Senado,” ani Legarda sa itinuloy na pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng anomalya sa flood control projects.
“Simple lang po, kung merong 13 na boto na makakapagbigay at iba po ang iboboto, I will be more than willing to yield my position, been there done that,” dagdag pa niya.
“Just to make it clear, never po tayong kapit-tuko sa anumang posisyon,” aniya pa.
Matatandaang inihalal si Gatchalian sa sesyon sa Senado nitong Miyerkules matapos ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Senado nang maabot ang quorum ng 12 senador na patuloy na kinukuwestiyon ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano.
- Latest






















