^

Pang Movies

Janine, gustong makilala sa ibang bansa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janine, gustong makilala sa ibang bansa
Janine

Marami pang pangarap na gawin si Janine Gutierrez sa pagpirma niya ng kontrata sa Star Magic ng ABS-CBN. In terms of her career, pero walang banggit sa personal plans.

“Ang pangarap talaga para sa sarili ko is to be a part of Filipino projects na, whether na dito ginawa or Filipino ‘yung production, tapos lalabas siya mapapanood siya sa ibang bansa. Makikita mo sa mga film festival kahanay ng Hollywood films,” sabi ng actress.

“Sa tingin ko, sobrang inspiring ‘yun na dito natin ginawa, Filipino creatives. Tapos, hahangaan and aabangan ng iba’t ibang bansa. And it’s also a way of showing our culture. Kumbaga sa Korea na promote nila ‘yun culture through their shows and projects. So, ‘yun din pangarap ko para sa projects ko,” sabi niya pa.

Na in a way aniya ay nagawa niya sa balik-tambalang serye nila ni Jericho Rosales na The Loyalty Game.

“So, sa Loyalty Game, nag-shoot kami sa Iloilo at Bacolod. So, ang dami naming locations na heritage houses na Filipino and ang gaganda, makikita mo talaga kultura natin. Even ‘yun regional na culture sa Negros, talagang nakaka-proud and world-class.  SUNDAN SA PAHINA 6

“So, happy ako na our shows, like Loyalty Game, are streamed globally. Kasi bilang Kapamilya, gusto rin natin maabot ‘yung ibang kapamilya natin sa ibang bansa at ipakita ‘yung kultura,” sabi ni Janine.

Nakatakda rin siyang magbida sa horror-drama film na Balaraw kasama si Charlie Dizon at sa Cinemalaya feature na Mag-iina kasama si Cherry Pie Picache, sa direksyon ni Ray Red mula sa isang Palanca Award-winning screenplay.

“Nagpapasalamat ako na marami na akong nagawa pero mayroon pa rin akong mga pa­ngarap,” pag-amin niya.

“Yes, super dami pa, super dami pa ng gusto kong gawin. I cannot think of any specific na role pero mahilig ako sa mga historical film and that would be... Fantasy din for me na project. Parang small role pa lang before, sa unang Cinemalaya film ko, hindi talaga mahaba na historical film. So ‘yun. To get to do collabs with international productions or mga artista na hindi ko pa nakakatrabaho. Alam ko naman na lahat ng mga kwento natin dito talaga exciting. So, maraming possibilities,” pahayag pa ng girlfriend ni Jericho Rosales na ‘di napigilang mag-‘I love you’ kay Janine nang sorpresahin ang karelasyon sa ginanap na contract signing.

At sino bang gusto niyang makatrabaho if ever na may chance?

“Actually, nakasalubong ko nga si Sharon Cuneta... nag-look sila ng bagong project ni Sharon with a collab with GMA. Ang cool lang kasi in recent years nagbubukas ‘yun pinto sa Kapamilya at Kapuso. Bilang isang former Kapuso, I’m always grateful to them, especially at the start of my career. Ang cool lang to think na with everything now, there’s a possibility na makakatrabaho ko ang mga tao na nagtrabaho ako dati,” sabi pa niya.

Bukod kay Ate Shawie, gusto rin niyang makatrabaho sina Anne Curtis, Joshua Garcia and Belle Mariano.

“Yes, si Anne (Curtis). Love ko siya ever since. Sana rin si Joshua (Garcia), I know how good of an actor he is. Si Belle, alam ko rin ga’no kagaling si Belle. Actually, sobrang dami pa pero ‘yun.”

At kung pagdating sa role ang pag-uusapan: “Gusto ko talaga maging fearless, kasi siyempre kapag may opportunity ka to do a new role or a new project, dapat talaga tapangan ang loob mo and mag-work hard ka,” sabi pa niya.

Mapapanood ang buong Forever Kapamilya contract signing ni Janine Gutierrez sa Star Magic YouTube channel.

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with