^

Bansa

Gatchalian acting Senate President

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gatchalian acting Senate President
Senator Win Gatchalian takes his oath as the new Senate President Pro Tempore and assumes the role of Acting Senate President during the Senate session on June 3, 2026
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nahalal kahapon si Sen. Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore na tatayo ring acting Senate President.

Nangyari ang pagbabago sa liderato ng Senado matapos magkaroon ng quorum dahil sa paglipat ni Sen. Chiz Escudero sa Solid Bloc 11 na lumutang kahapon sa Senado kaya naging 12 ang dating ­minority habang 11 na lang ang grupo ni ­Senate President Alan Peter ­Cayetano. Kailangan pa nila ng isang senador upang maging 13 ang bilang at maging lehitimong Senate President si Gatchalian.

Natuloy ang sesyon sa gitna ng ikatlong araw na pag-boykot ng grupo nina Cayetano.

Alas-3:13 ng hapon nang dumating sa session hall si Escudero na pinalakpakan ng mga tao sa gallery at sinalubong naman ng yakap ng ilang senador na nasa plenary hall.

Si dating Senate Mino­rity Leader Tito Sotto ang naghain ng mosyon upang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon.

Sa inilabas na statement ng bagong majority na tinawag na ngayong “Solid Bloc 12”, nilinaw na hindi na presidente ng Senado si Cayetano. Ginamit na batayan ng bagong majority ang kasong Avelino v. Cuenco noong 1949.

“For clarity, Sen. Alan Peter Cayetano is no longer Senate President after the Senate, with 12 senators present and a quorum declared based on the recognized base number of 22 under Avelino v. Cuenco, voted to declare all positions vacant, including the presidency of the institution,” anang Solid Bloc 12.

“Hindi pa lamang naihahalal si Sen. Win Gatchalian bilang bagong Senate President dahil kailangan pa ng 13 boto sa ilalim ng Konstitusyon. Pero ito ang malinaw at mahalaga ngayon: bakante na ang lahat ng posisyon, tapos na ang dating liderato at dapat magpatuloy ang trabaho ng Senado para sa taumbayan,” sabi ng Solid Bloc 12.

Naghalal din ng mga bagong chairman ng iba’t ibang komite kung saan si Sen. Juan Miguel Zubiri ang chairman ng Committee on Rules, habang Blue Ribbon chair si Sen. Erwin Tulfo na uupo rin bilang chairman ng Social Welfare Committee.

Si Sen. JV Ejercito ang hahawak ng Finance, si Sotto sa National Defense, Sen. Panfilo Lacson sa Public Order at Accounts, Sen. Raffy Tulfo sa Public Services, Sen. Bam Aquino sa Basic Education, Sen. Risa Hontiveros sa Health Committee at si Sen. Kiko Pangilinan sa Agriculture.

Hahawakan naman ni Escudero ang Urban Planning, Housing and Resettlement samantala kay Zubiri ibinigay ang Foreign Relations.

Inihalal ding bagong Senate Secretary si Atty. Renato Bantug habang bagong Senate Sergeant-at-Arms si retired Police Major General Alfred Sotto Corpus.

Dahil nagkaroon ng sesyon, pormal na ­naideklara ang adjournment sine die at muling babalik ang sesyon sa Hulyo 27, 2026.

WIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with