^

Bansa

$10 milyong pangakong ambag ng DOH sa WHO, pinasisilip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasisilip ni Senior Citizens Party List Repz Rodolfo “Ompong” M. Ordanes sa Kamara ang estado ng US$10-milyon na ipinangako ng Department of Health (DOH) na iaambag sa World Health Organization (WHO), gayung kasalukuyang nahihirapan ang mga nakakatanda na makakuha ng libreng gamot sa pamahalaan.

Sa inihain niyang House Resolution No. 1072, ibinahagi ni Ordanes na ang naturang halaga ay nakalaan upang suportahan ang 2025-2028 14th ­General Programme of Work ng WHO. Ipinangako ng DOH ang pag-aambag sa gitna ng 75th Western Pacific Regional Committee noong Oktubre 2024.

Sinabi pa ni Ordanes na bagama’t mahalaga ang pagsusulong ng mga pandaigdigang inisyatiba para sa kalusugan, dapat munang isaalang-alang ng DOH ang kasalukuyang lagay ng pampublikong sistemang pangkalusugan sa Pilipinas. Ilan sa mga hamon ang kakulangan sa kapasidad ng mga pampublikong ospital, kakapusan ng healthcare personnel, at limitadong suplay ng libreng gamot.

“Maraming pagkakataon na humihingi kami ng mga gamot at bakuna para sa mga senior citizens ngunit hindi kami nabibigyan, samantalang ang pondong dapat sana’y inilaan para sa mga pangangailangang pangkalusugan ay napupunta sa ibang bagay,” ani Ordanes.

Ayon pa sa mambabatas, mahalagang malaman kung saan kukunin ang $10 milyon, ano ang magiging epekto nito sa mga programa ng DOH, at kung may sapat na legal na batayan para sa naturang pangako.

DOH

WHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with