^

Dr. Love

Ayaw magkaanak ni Misis

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon na kaming mag-asawa, nireres-peto ko ang desisyon ng misis ko na ayaw niyang magkaanak. Ayaw raw niya matulad sa kanya ang magiging anak namin na mahihirapan sa buhay. Sabi ko nga, kahit ako na lang ang mag-alaga o kukuha kami ng yaya. Hindi ko lang masabi sa misis ko ang pagkasabik ko sa pagkakaroon ng anak. Madalas tinutukso ako ng mga kumpare ko na mag-anak na lang daw ako sa iba. Hindi ko naman magagawa ‘yun sa misis ko, pero hindi maalis sa akin ang malungkot dahil wala kaming anak. Ano ba ang puwede kong gawin para makumbinsi si misis na subukan lang namin mag-anak?

Mon

Dear Mon,

Bilib ako sa pagmamahal mo at respeto sa iyong misis. Tama na huwag kang padala sa mga pambu-bully ng mga kaibigan mo. Manatili kang tapat sa kanya.  Ang family counsel ay makakatulong para mapagnilayan ninyo, lalo na ng misis mo ang pagbuo ng pamilya, kung saan kasama ang pagkakaroon ng anak. Samahan mo rin ng taimtim na dasal, wala namang imposible sa Diyos.  

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with