PANOORIN: Inaresto si Jinggoy, hindi sumuko — Malacañang
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na ang nangyari kay Sen. Jinggoy Estrada ay maituturing na pag-aresto at hindi voluntary surrender, ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Ayon sa Palasyo, nauna nang isinilbi ang warrant of arrest sa Senado bago pa man maisagawa ang anumang pormal na pagsuko ng senador.
"So matatawag po itong pag-aresto dahil hindi po boluntaryong pumunta si Senator Jinggoy Estrada mismo sa mga law enforcers, hindi pumunta sa CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), sa PNP (Philippine National Police) o sa korte sa Sandiganbayan," sabi ni Castro.
Nanindigan din ang Palasyo na mahalaga ang kooperasyon ng mga sangay ng gobyerno upang maipatupad ang batas at mapanatili ang rule of law.
Inaresto si Estrada nitong Lunes, Hunyo 1, habang humaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y pagkuha ng ?573 million na ilegal na kickbacks mula sa flood control projects.
- Latest


















