^

Bansa

Cayetano, Remulla nagkasagutan sa pag-aresto kay Jinggoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasagutan sina Senate President Alan Peter Cayetano at Interior Secretary Jonvic Remulla matapos tangkang arestuhin sa loob ng Senado si Sen. Jinggoy Estrada ng mga arresting officers mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa isang video na kuha sa labas ng tanggapan ni Estrada, maririnig ang malakas na boses ni Cayetano na tumututol sa gagawin ng CIDG.

Iginiit ni Cayetano na napag-usapan na nila na sa labas ng Senado aarestuhin si Estrada na nagpahayag ng kahandaaan na sumuko matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 5th Division kaugnay sa kasong plunder.

“Okay na ang usapan natin sa labas…Hindi sa loob ng Senado,” ani Cayetano kay Remulla.

Sinabi rin ni ­Cayetano na kahit noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino ay hindi pinayagan ng noon ay Senate president Jovito Salonga ang pag-aresto kay dating senador Juan Ponce Enrile na naharap noon sa kasong ­rebelyon.

Iginiit ni Cayetano na dapat irespeto ang Senado bilang institusyon.

Matapos ang pagtataas ng boses ni ­Cayetano na mistulang nakiusap na ito at sinabing, “right outside the door,” na at tumugon si Remulla ng “no handcuffs” .

Pagtapos ay binasahan na ng kanyang karapatan si Estrada bilang akusado.

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with