^

Police Metro

Senate rules proposal walang kinalaman sa VP trial — Cayetano

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na walang katotohanan ang alegasyon ng minorya na may kaugnayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang panukalang pag-amyenda ng Majority bloc sa rules ng Senado tungkol sa remote participation at online voting.

Ayon kay Cayetano, walang panukalang amyendahan ang mga patakaran sa impeachment, at sinabing ang mga ito ay pinagtibay na ng Senado nang pormal itong magpulong bilang isang impeachment court noong Mayo 18.

“Wala pong katotohanan na ‘yung amendment ng rule na ito ay nakaugnay sa amendment sa rule sa impeachment. Bakit po? Unang-una, in-adopt na po namin yung rules sa impeachment. Kapag binago namin iyon, ipa-publish pa at tatagal pa iyon,” ani Cayetano.

“Ang pinag-uusapan ay rule sa Senado. Wala pong katotohanan ‘yung mga nagpo-post na nagsasabing ito po ay may kinalaman sa impeachment,” dagdag ni Cayetano.

Binabanggit din niya ang pagkakaiba ng nakakapagod na sesyon ng plenaryo noong Mayo 26, kung saan ilang senador ng minorya ang tumutol sa isang panukala na amyendahan ang mga patakaran ng Senado upang payagan ang remote participation sa mga sesyon.

Matatandaan na nagkaroon ng debate kung maaari bang talakayin na sa floor ang panukala ni Senador Rodante Marcoleta.

Isinulong ni Cayetano ang paghahati sa kapulungan at lutasin ang usapin sa pamamagitan ng botohan pero kalaunan ay natapos ang sesyon sa isang walkout ng mga miyembro ng minority bloc.

ALAN PETER CAYETANO

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with