2 senador tatalon sa minority bloc - Mon Tulfo
MANILA, Philippines — Tatalon ng bakod mula sa majority bloc patungong minority bloc sa Lunes, Hunyo 1, ang dalawang senador na sinasabing hindi nasiyahan sa pamamalakad ni Senador Alan Peter Cayetano, ayon sa beteranong kolumnista na si Ramon “Mon” Tulfo.
Sa Facebook post ni Tulfo nitong Biyernes, Mayo 29: “Two senators disgruntled with the majority bloc of Senate President (SP) Alan Peter Cayetano will jump over the bakod to join the minority bloc of ex-SP Tito Sotto on Monday. ‘Yan ang ni-report sa akin ng aking tweety bird.”
Ani Tulfo, kapag nagkataon, ang minority ay magiging majority na at magkakapalit na ng puwesto.
Ibinunyag niya rin na iuupo bilang Senate Presidente si Sen. Win Gatchalian.
Sa kabila ng mga impormasyong nakalap, hindi umano kinumpirma ng kanyang dalawang kapatid na sina Sen. Raffy at Sen Erwin.
“Nang tanungin ko ang mga utol kong sina Raffy at Erwin ay ayaw namang magsalita! Buti pa ang aking tweety, maaasahan,” saad pa ng post ni Tulfo. Hindi naman pinangalanan ni Tulfo ang dalawa at nagbigay lamang ng clue na “yung isa ay mataray at isa naman ay kaibigan ni Liza Marcos.”
- Latest


















