^

Bansa

Oplan Balik Eskwela, inilunsad ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Oplan Balik Eskwela, inilunsad ng DepEd
Parents and teachers start cleaning classrooms at Parang Elementary School in Marikina City on May 25, 2026
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inilunsad na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang nationwide Oplan Balik Eskwela program, kaugnay nang nalalapit na pagbubukas ng School Year 2026-2027 sa ­Hunyo 8, 2026.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang inisyatiba ay magtatagal mula Hunyo 1 hanggang 11.

Layunin nitong pabilisin ang enrollment, tugunan ang public concerns, at maging maayos ang paghahanda sa mga paaralan sa bansa.

Nasa 16 na ahensiya ng pamahalaan at utility partners ang makikilahok sa preparasyon para sa pagbubukas ng klase.

Kabilang na dito ang DILG, PNP, DOH at MMDA na siyang magpapatupad ng safety, health, at traffic management measures sa mga paaralan.

Ang DOTr ang magmomonitor ng commuter flow sa opening ng classes habang ang DICT at NTC ang tutulong sa pagpapalakas ng communication at connectivity services.

Nakaantabay naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa posibleng weather disturbances at emergencies sa panahon ng school opening period.

Ang mga ­utility providers naman na ­Meralco at MWSS ang naatasang tumiyak na may sapat na suplay ng tubig at kuryente sa mga paaralan.

Upang matugunan naman ang mga concerns o alalahanin ng mga magulang at mga mag-aaral, ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center ay mag-o-­operate sa pamamagitan ng hotlines, text messaging, email, at social media channels sa central, regional, division, at school levels.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with