^

Bansa

Barzaga trinatrato Kamara na ‘content game’ – Garin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing binatikos ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo 1st District si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga dahil umano sa paggamit ng Kamara bilang “content game” sa social media upang dumami ang kaniyang online followers, sa halip na seryosong gampanan ang tungkulin bilang mambabatas.

Ayon kay Garin, patung-patong na reklamo ang nakasampa laban kay Barzaga na dapat umanong patawan ng disciplinary action ng Kamara.

Nauna nang nasuspinde si Barzaga ng Ethics panel matapos mapatunayang muling lumabag sa panuntunan ng Kamara habang nasa ilalim pa ng unang kaparusahan.

Bilang halimbawa, binanggit ni Garin ang social media post ni Barzaga na iniugnay ang pagkamatay ng isang bise alkalde sa flood control projects.

Labis umanong nasaktan ang pamilya ng nasawing bise alkalde sa akusasyon ni Barzaga na nag-trending sa social media, bagay na tinawag niyang iresponsable at insensitibo.

“He doesn’t want to seriously work as a legis­lator. Doon lang siya sa kung saan siya magkakaroon ng maraming followers,” ani Garin, na binanggit pang tinawag ni Barzaga ang Kamara na “Crocodile Farm.”

Sa ngayon, nakabinbin pa ang desisyon ng Ethics panel sa posibleng kaparusahan kay Barzaga. Ayon kay Garin, maaari itong umabot mula sa reprimand, muling pagkakasuspinde, hanggang sa pinakamabigat na parusa—ang pagpapatalsik bilang miyembro ng Kamara.

KIKO BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with