^

Bansa

23 obrero na-trap!

Mer Layson, Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
23 obrero na-trap!
Puspusan ang search and rescue operations ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang K9 unit para hanapin nasa higit 20 katao pa na na-trap sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago sa Angeles, Pampanga mada­ling araw nitong Linggo.
Miguel de Guzman

Itinatayong gusali gumuho…

MANILA, Philippines — Nasa 23 indibidwal pa ang pinaghahanap na pinangangambahang na-trap sa isang siyam na palapag na gusali na gumuho sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na kaagad na napasugod sa naturang lugar, masusi nilang iimbestigahan ang pangyayari at aalamin ang dahilan nang naturang pagguho.

“As of now, ang prio­rity, search and rescue muna. Kasi may mga mahigit 20 workers na naipit dahil sa disgrasya na nangyari. ‘Yung cause of disgrasya, siguro huwag muna natin ‘yun, i-imbestigahan pa ‘yan,” wika ni Dizon.

Sa pahayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Information Office chief F/ Supt. Ma. Leah Sajili, 23 katao pa ang hinahanap.

“Total of 23 estimated trapped victims as of today. So we have a total number of 24 who have escaped, so meaning hindi po sila nakasama sa bilang na 23 na hinahanap natin ngayon. Mayroon po tayong 10 patients transported sa San Rafael Lazatin Memorial Hospital, and may isa po tayo doon sa patient na hindi nakukuha ang pangalan as of now,” sabi ni Sajili.

Nabatid kay Angeles City Information Officer Jay Pelayo, bukod sa mga posibleng na-trap na obrero, may walong motorista at pedestrian na dumaan sa lugar ang nagtamo ng minor injuries ngunit nasa maayos nang kalagayan. Ligtas namang nakalabas ang project foreman at 10 construction workers mula sa bumagsak na istraktura.

Samantala, kinumpirma rin ng DPWH chief na mayroon pang ‘proof of life’ sa guho.

Mayroong komunikasyon na natanggap ang mga awtoridad mula sa isang Malaysian citizen na na-trap din sa kabilang building na tinamaan din.

Mayroon din umanong naririnig na mga boses sa ilalim ng mga debris ang mga tauhan ng BFP na rumesponde sa lugar.

Nag-deploy na ang DPWH ng dalawang dump trucks, isang backhoe, isang boom truck, at isang Tadano crane sa site upang umasiste sa rescue operations.

Habang isinusulat ang balitang ito ay sinasabing nasa 26 katao na ang nasagip, 24 mula sa gumuhong istraktura habang dalawa mula sa katabi nitong apartelle.

Naging pahirapan ang search and rescue operations dahil sa mga live electrical wires na nagbagsakan.

Inihayag din ng lokal na pamahalaan na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa permits ng proyekto at sanhi ng pagguho nito. Sa ngayon, hindi pa umano nila makontak ang contractor ng gusali.

GUMUHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with