^

Bansa

Impeachment trial babaguhin 2028 polls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Babaguhin ng impeachment trial ang pananaw at opinyon ng publiko kay Vice President Sara Duterte, mga Senador at maging ang mga prosecutors na mararamdaman sa 2028 national elections.

Ito ang inihayag ni Cleve Arguelles, pangulo ng WR Numero Uno at isang political analyst na sinabing ang proseso ng impeachment ay pambansang test sa paghusga sa pulitika at tiwala ng publiko.

Aniya, ang paglilitis sa impeachment laban kay VP Sara ay inaasahang makakaimpluwensya sa desisyon ng mga botante sa paghahalal ng mga kandidato.

“So, I think malaki po ‘yung magiging epekto ng impeachment trial. There’s a lot of uncertainties but definitely lahat po ‘yung involved na participants, from the VP herself, to the allies of the VP, majority/minority senator-judges and the prosecution team itself, lahat po iyon magkakaroon ng panibagong public perception ‘yung mga kababayan natin,” saad ni Arguelles.

Ang mga nabanggit ay huhusgahan ng publiko depende sa kanilang performance sa paglilitis sa impeachment.

Binigyang diin pa nito na sa mga nakalipas na paglilitis sa impeachment ay inalala at ginawang bata­yan ng mga botante sa kanilang mga pagboto ang performance ng mga senator judges at maging ng prosecution panel.

“Sa impeachment ni dating Pangulong Erap Estrada noong 2000 hanggang 2001 ay ikinagalit ng publiko ang pagharang ng mga ebidensya na nagresulta sa pagpapatalsik dito sa kapangyarihan sa Edsa People Power 2.

NATIONAL ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with